New York Marathon sinakop ng Kenyans

New York Marathon sinakop ng Kenyans

November 7, 2022 @ 10:28 AM 3 weeks ago


NEW YORK, USA – Nalusutan nina Kenyans Evans Chebet at Sharon Lokedi ang matinding init upang masungkit ang kampeonato sa New York City Marathon noong Linggo matapos bumagsak ang Brazilian na si Daniel Do Nascimento sa karera.

Nagtakda si Do Nascimento ng napakabilis na recprd na may humigit-kumulang dalawang minutong pangunguna ngunit pagkatapos ng milya 20 ay sumuray-suray na tumatakbo at bumagsak.

Nagulat ang mga manonood habang tumatakbo ang mga police rescue upang tulungan siya.

Nang maglaon, sinabi ng mga opisyal race opisyal na ayos na siya at hindi na dinala sa ospital.

Si Chebet, na nanalo sa Boston ngayong taon, ay bumilis pagsapit ng 15 milya at nalampasan ang pagod upang magwagi sa tiyempong dalawang oras walong minuto at 41 segund.

Pumangalawa ang si Ethiopian Shura Kitata na may 2:08:54 at ang Dutchman na si Abdi Nageeye ay pumangatlo.

“Sinabi niya na mahirap para sa kanya na makipagkarera lalo na dahil ito ay mainit,” sinabi ng interpreter ni Chebet sa mga mamamahayag.

Nakumpleto ng kanyang panalo ang Kenyan sweep sa anim na men’s world marathon majors noong 2022.

Si Lokedi, na gumawa ng kanyang debut sa marathon, ay nanatili sa nangungunang grupo bago humiwalay sa mga huling yugto upang manalo sa 2:23:23.

Pumangalawa si Israeli Lonah Chemtai Salpeter (2:23:30) at pumangatlo ang world champion na si Gotytom Gebreslase ng Ethiopia.

“Naubusan ako ng mga salita, talagang nasasabik ako,” sabi ni Lokedi, ang ikawalong katunggali na nanalo sa karera ng New York sa isang debut ng marathon. “I’m just so happy na ginawa ko ito dito.”