New Zealand inuga ng 7.2 magnitude na lindol, tsunami warning itinaas

New Zealand inuga ng 7.2 magnitude na lindol, tsunami warning itinaas

March 5, 2021 @ 7:00 AM 1 month ago

  •  
  •  
  •  

WELLINGTON — Yumanig ang napakalakas na 7.2 magnitude na lindol sa North Island ng New Zealand, Biyernes, kung saan nagpalabas ng tsunami warning ang awtoridad.

Patuloy pa ring ina-assess ng National Emergency Management Agency (NEMA) ang lawak ng pinsala.

“Coastal inundation (flooding of land areas) is expected in areas under Land and Marine threat,” ayon sa tweet ng NEMA.

Ang pinakamalapit major city sa episentro ng lindol ay Gisbon na may populasyon na 35,500. Pinalikas naman ang mga residente ng Cape Runaway hanggang Tolaga Bay.

Ayon sa awtoridad na posibleng naabot na ng unang hambalos ng alon ang East Cape mula Cape Runaway hanggang Tolaga Bay bandang 3:34 a.m. local time.

Ayon pa sa awtoridad na posibleng magpatuloy ng ilang oras ang tsunami activity.

“Hope everyone is ok out there—especially on the East Coast who would have felt the full force of that earthquake,” ani Prime Minister Jacinda Ardern sa Instagram.

Wala namang tsunami threat sa capital Wellington at iba pa rehiyon. Ulat mula Reuters


  •  
  •  
  •