New Zealand, muling binuksan sa int’l travelers

New Zealand, muling binuksan sa int’l travelers

August 2, 2022 @ 7:42 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Muling binuksan ng New Zealand ang borders sa mga international travelers kabilang na ang mga Pinoy.

Sa isang tweet, inanunsyo ni New Zealand Ambassador to the Philippines Peter Kell na tumatanggap na sila ngayon ng visa applications mula sa mga Filipino na nagnanais na bumisita sa kanilang bansa.

“We look forward to welcoming you & excited kaming muling ibahagi ang ganda ng NZ,” ayon kay Kell.

Nito lamang Hulyo 31, sa kauna-unahang pagkakataon ay nagdesisyon ang New Zealand na buksan sa mga foreign visitor ang kanilang bansa simula ng umalagwa ang COVID-19 pandemic noong Marso 2020.

Ang New Zealand kasama ang iba pang bansa kabilang na ang Pilipinas ay nagpatupad noon ng mahigpit na foreign travel para kontrolin ang pagkalat ng impeksyon.

Habang nagsisimula na itong pagaanin ang travel restrictions, tanging ang mga vaccinated citizens lamang ang pinayagang makabalik sa kanilang bansa habang ang sumunod naman na pinayagan ay ang mga turista mula sa mga bansang hindi na kailangan ang visa.

Bago bumisita sa New Zealand, kailangan munang may bitbit na COVID-19 vaccination requirements ang mga Filipino travellers.

“All travellers are strongly encouraged to be up-to-date with vaccinations before travelling. You need a digital vaccine certificate or another form of electronic or paper document from a government health authority or approval authority confirming you have had a full COVID-19 vaccine course,” ang naging pahayag ng New Zealand Embassy in the Philippines.

“Proof of vaccination is not needed if a person is a New Zealand citizen, has a New Zealand residence class visa, an Australian citizen living in New Zealand, or a child aged under 16,” ayon pa rin embahada.

Hindi naman na kailangan ang pre-departure test para sa healthy travelers.

“However, if the traveler is unwell and has COVID-19-like symptoms prior to flight, proof must be submitted, which can be either of the following:

— A medical certificate issued by a health practitioner confirming you do not have COVID-19. This must be obtained a maximum of 48 hours before your flight.

— Proof of a negative COVID-19 test, which can be either a PCR test taken a maximum of 48 hours before the flight or a supervised RAT or LAMP test taken a maximum of 24 hours before the flight,” ayon sa embahada.

Samantala, ang mga bisita ay required na kompletuhin ang New Zealand Traveler Declaration. Kris Jose