New Zealand niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

New Zealand niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

February 15, 2023 @ 4:48 PM 1 month ago


NEW ZEALAND – Niyanig ng magnitude 6.1 na lindol ang New Zealand nitong Miyerkules, Pebrero 15.

Ito ang iniulat ng government seismic monitor na Geonet kung saan ang sentro nito ay naitala, 50 kilometro mula sa bayan ng Paraparaumu, malapit sa Wellington.

May lalim itong 48 kilometro o 30 milya.

Ayon sa mga residente, naramdaman nila ang malakas na pagyanig na tumagal ng ilang segundo sa kabisera.

Ang New Zealand ay pasok din sa rehiyon na tinatawag na Ring of Fire kung saan madalas na tumatama ang mga lindol.

Nitong mga nakaraang araw lamang, binayo naman ng Cyclone Gabrielle ang bansa na nag-iwan ng apat kataong nasawi at 10,000 katao na nawalan ng tirahan. RNT/JGC