New Zealand PM Ardern magbibitiw sa pwesto

New Zealand PM Ardern magbibitiw sa pwesto

January 19, 2023 @ 10:40 AM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Inanunsyo ng Punong Ministro ng New Zealand na si Jacinda Ardern na magbibitiw na siya sa pwesto sa Pebrero 7, bago ang eleksyon sa Oktubre.

“Nearing the end of the year I thought I really need to give myself the summer to really consider whether or not I have what it takes to continue,” aniya sa isang news conference. “Once I realized that I didn’t, I knew unfortunately there wasn’t much alternative other than to hand over now.”

Idinagdag niya na inaasahan niya ang isang bagong punong ministro na manumpa sa Pebrero 7, pero “depending on the process that could be earlier. So that’s something that I’ll work through with the new leader.”

Ang pangkalahatang halalan ay gaganapin sa Oktubre 14.

Si Ardern ay naging punong ministro mula noong 2017, at nanalo sa muling halalan noong 2020. RNT