New Zealand Prime Minister, nagsilang ng baby girl

New Zealand Prime Minister, nagsilang ng baby girl

June 21, 2018 @ 3:56 PM 4 years ago


New Zealand – Isinilang na ni New Zealand Prime Minister Jacinda Ardern ang kaniyang baby girl kung saan siya ang kauna-unahang lider ng bansa na manganganak habang nakaupo sa puwesto.

Sa post ni Jacinda sa kaniyang instagram, sinabi niya na ang baby ay lumabas dakong 4:45 ng hapon na may timbang ng 3.31 kilograms.

“Thank you so much for your best wishes and your kindness. We’re all doing really well thanks to the wonderful team at Auckland City Hospital,” sabi niya pa sa post.

Kaninang umaga lamang siya in-admit sa ospital habang ang inaasahang due date ng prime minister ay noong June 17 pa.

Samatala, si Deputy Minister Winston Peters muna ang uupo sa puwesto ni Jacinda habang siya ay nasa parental leave na tatagal ng anim na linggo. (Remate News Team)