Newly appointed Nuncio to Rwanda bumisita kay Advincula

Newly appointed Nuncio to Rwanda bumisita kay Advincula

February 2, 2022 @ 2:45 PM 8 months ago


Manila, Philippines – Bumisita si Archbishop-elect Arnaldo S. Catalan, newly appointed Nuncio to Rwanda kay Manila Archbishop Jose F. Cardinal Advincula kahapon, Pebrero 1.

Sinalubong namna si Msgr. Catalan ng mga Cardinal kasama si Msgr. Jose Clemente Ignacio, Moderator Curiae ng Archdiocese of Manila at Fr. Albert Flores, Chairperson at Commissioner ng Commission on Church Cultural Heritage.

Noong Enero 31, itinalaga ni Pope Francis si Catalan bilang nuncio ng Rwanda kapalit ni Archbishop Andrzej Józwowicz na nalipat sa Iran noong Enero 2021.

Si Catalan ay nagsisilbing Chargé d’affaires ng diplomatic mission ng Holy See in China (Taiwan) buhat noong 2019.

Lumahok din ito sa Holy See Diplomatic Service noong Hulyo 2001 at buhat noon ay nagsilbing Apostolic Nunciatures sa Zambia, Kuwait, Mexico, Honduras, Turkey, India, Argentina, Canada, at Pilipinas. RNT/FGDC