Newsnet tablado sa ARTA; MR ibinasura

Newsnet tablado sa ARTA; MR ibinasura

August 29, 2022 @ 8:12 PM 1 month ago


IBINASURA ng Anti-Red Tape Authority ang Motion for Reconsideration na inihain ng News and Entertainment Network Corporation’s (Newsnet) na humihiling na baligtarin ang naunang resolusyon nito na nagbabakante sa February 12, 2020 Declaration of Completeness at Order of Automatic Approval na pabor sa naturang kompanya.

Sa kanilang resolusyon, idineklara ng ARTA na : “In so far as the Authority is concerned, it has considered all the arguments of the parties in the light of the SOJ (Secretary of Justice) Resolution dated 9 July 2021 in OSJ Case No. 01-2020, which has already become final and executory, and having already endorsed to NTC the subject application following the said SOJ Resolution, hence it resolves the matter herein as well with finality and any similar motions or manifestations in this case will no longer be entertained.”

Noong July 4, 2022, naghain ang Newsnet ng MR sa June 17 na resolusyon ng ARTA at humihiling na ibalik ang 12 February 2020 Declaration of Completeness and Order of Automatic Approval.

Tinutulan ng National Telecommunications Commission ang mosyon ng Newsnet at sinabing ang legislative franchise nito para makapag-operate ng Local Multi-Point Distribution System ay paso na kung kaya’t wala na itong karapatan sa anomang frequency assignment o allocation.

Dagdag pa ng NTC, ang “finality of judgement” ay hindi maaring i-apply sa ARTA, isang investigative body na walang hurisdiksyon sa karapatan at obligasyon ng mga partido.

Sa pagpapawalambisa ng legislative franchise ng Newsnet, nag-isyu ang NTC noong August 12, ng “Cease and Desist Order” laban sa operasyon at iba pang serbisyo ng Newsnet at inatasang bawiin ang lahat ng frequencies na ipinagkaloob sa Newsnet.

Bagama’t nagsumite ang Newsnet ng desisyon ng Court of Appels na nagbibigay sa kanila ng Petition for Mandamus na may petsang July 20, 2022 at nag-aatas sa NTC na sumunod sa desisyon ng ARTA para sa Declaration of Completeness and Order of Automatic Approval, sinabi ng NTC na ang desisyon ng CA ay hindi “immediately executory” dahil nakakuha ng remedyo ang NTC sa loob ng reglementary period.

“On the contrary, ARTA’s 17 June 2022 Resolution in these proceedings warrant the dismissal of the said Petition for Mandamus,” giit ng NTC.

Idinagdag pa ng NTC na wala nang bisa ang desisyon ng CA dahil wala nang kautusan o order ng ARTA na kailangang ipatupad.

Sa resolusyon nito, inihayag ng ARTA na: “The Authority will continue to abide by the SOJ Resolution dated 9 July 2021, which has already become final and executory per OP (Office of the President) Order dated April 25, 2022.” RNT