‘Next Gen’ vaccine kontra COVID-19, mas matindi vs mutations – DOH

‘Next Gen’ vaccine kontra COVID-19, mas matindi vs mutations – DOH

August 16, 2022 @ 4:10 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Naniniwala ang Department of Health (DOH) na ang inaasahang paglabas ng tinatawag na next generation vaccine ay mas malakas sa mga subvariants o mutations ng COVID-19 virus.

Ayon kay Health officer in charge Usec Maria Roario Vergiere – base sa kanilang impormasyon sakop na ng makabagong bakuna ang mga naglalabasang mga mutations ng virus.

Sinabi ni Vergeire na habang tumatagal ay dumarami ang mutations kaya kinakailangan ang next gen vaccines na inaasahang lalabas sa Oktubre.

Pero paglilinaw ng opisyal, kinakailangan pang dumaan sa proseso ng Pilipinas at pag-aayos ng dokumneto.

Kailangan pa rin aniyang pag-aralan ito ng mga eksperto sa bansa bago bilhin ng pamahalaan.

Tiniyak naman ni Vergeire na may pondo ang Pilipinas para mabili ang bagong henerasyon ng bakuna. Jocelyn Tabangcura-Domenden