NFA, nagsimula nang magbenta ng murang bigas sa Caraga region

NFA, nagsimula nang magbenta ng murang bigas sa Caraga region

June 19, 2018 @ 5:42 PM 4 years ago


 

Caraga Region – Para makabili ng murang bigas ang publiko nagsimula nang magbenta ng mababang presyo ng bigas ang National Food Authority (NFA) sa halagang P27 at P32 kada kilo ng bigas mula sa 188 accredited retailers sa Agusan at Surigao kabilang ang isla ng Dinagat at Siargao.

Sa inisyal na shipment, aabot sa 250,000 metric tons (MT) ng government to government na bigas ang dumating nitong nakalipas na Hunyo 2 sa lalawigan ng Surigao at Subic ports subalit hindi agad naikarga ang mga bigas dahil sa masamang panahon.

Nagpadala na ng 5,000 metric tons (MT) ng bigas sa lalawigan ng Surigao nitong nakalipas na Sabado Hunyo 16, at sinimulan ng ipamahagi nitong nakalipas na Lunes Hunyo 18 ang mga naturang bigas ayon kay NFA Surigao Del Norte Provincial Manager Daisy Luna.

Habang sa Tabaco, Albay, nagpadala na ang NFA ng may 126,600 bags mula sa MV An Thin Phu. at pinangunahan ni Provincial Manager Alan Sabaybay ang naturang operasyon kasama ang representatives mula sa surveyor, cargo handler at shipping agent.

Kaugnay nito ayon naman kay NFA Zambales Provincial Manager Jonathan Yazon, matapos ang ilang araw na pag-ulan ng malakas at pagkakaantala ng ilang araw nakapagpadala na ang NFA office ng imported rice mula sa MV Tyson 2 na naka docked sa Subic Freeeport.

Samantala, dalawang haulers ang dumating mula sa MV Truong Loc na nakaparada sa Macabalan Port sa Cagayan de Oro City sa opisina ng NFA office sa Baloy sakay ang may 92,000 bags ng imported na bigas mula sa Vietnam.

Ayon sa NFA nitong nakalipas na May 4 inaward nito sa Vietnam at Thailand ang kontrata para magsuplay ng 250,000 metric tons ng bigas  sa bansa upang tugunan ang pangangailan na makabili ng murang bigas ang publiko. (Santi Celario)