NFA rice, muling mabibili sa ilang pamilihan

NFA rice, muling mabibili sa ilang pamilihan

August 8, 2018 @ 3:11 PM 4 years ago


 

Manila, Philippines – Muling mabibili sa mga pamilihan sa Batangas, Laguna, Quezon at MIMAROPA region ang NFA rice.

Matatandaang naantala ang delivery ng NFA rice dahil sa masamang panahon dulot ng habagat at sunud-sunod na bagyo nitong nagdaang buwan.

Tinatayang isandaan tatlumpung libong (130,000) sako na ng bigas ang dumating sa pantalan ng Mabini, Batangas na supply para sa mga nasabing lugar.

Sinabi ni NFA Region 4 Assistant-Director Mike Tecson, ang bultu-bultong bigas ay bahagi ng apatnaraan pitumpung libong (470,000) sako ng NFA rice na inangkat mula India.

At ngayong buwan ng Agosto ay asahan na ang pagdating ng nalalabi pang 340,000 sako ng bigas mula India kaya’t makatitiyak ang mga mamimili na magiging sapat ang supply ng NFA rice. (Kris Jose)