NGCP nagbabala ng manipis na suplay ng kuryente sa tag-init

NGCP nagbabala ng manipis na suplay ng kuryente sa tag-init

February 24, 2023 @ 6:25 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Nagbabala ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ng manipis na suplay ng kuryente sa bansa lalo na pagsapit ng tag-init dahil sa mataas na demand ngayong taon.

Ayon sa NGCP nitong Biyernes, Pebrero 24, posibleng umabot sa 13,125 megawatts (MW) ang peak demand sa Luzon sa pagtatapos ng Mayo.

Ito ay 8.35% na mas mataas kaysa sa actual 2022 peak load ng 12,113 MW, ayon sa Department of Energy.

Para sa Visayas, ang peak demand ay nangyari noong Setyembre habang sa Mindanao naman, ang peak demand ay naganap noong Hunyo.

Inaasahan sa Luzon ang manipis na operating margins mula Abril hanggang Hunyo “due to the historically high demand during the summer months,” ayon sa NCGP.

“While base case projections show no yellow or red alerts, there are weeks between March and April where operating margins are below required levels due to higher demand and planned outages of plants,” dagdag pa.

Ang yellow alert ay inilalabas sa oras na bumaba ang power supply sa contingency requirement ng grid, habang ang red alert naman ay inilalabas kung mas mababa na ang suplay kumpara sa consumer demand. RNT/JGC