NGCP: Power supply, sapat; reserba, manipis

NGCP: Power supply, sapat; reserba, manipis

September 13, 2022 @ 4:24 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines- Sa kasalukuyan ay sapat ang power supply upang tugunan ang demand sa Luzon subalit manipis na ang reserba dahil sa plant putage sa na nararamdaman ng mga consumer, ayon sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) nitong martes.

Ayon kay NGCP spokesperson Atty. Cynthia Alabanza, “normal” ang kasalukuyang kondisyon matapos ilagay ang Luzon Grid sa Red Alert kahapon.

“Right now, normal ang condition natin,” aniya sa isang public briefing.

“Ibig sabihin, base sa projection ng konsumo o inaasahan nating gamit ng kuryente, may sapat tayong supply para tugunan ‘yung consumption o ‘yung gagamitin at ‘yung pambalanse,” dagdag niya.

Subalit, sinabi ni Alabanza na bagama’t walang itinataas na alert status, nananatiling manipis ang reserba kumpara sa ideal situation, at posibleng magdulot ng alert status ang forced outages.

“Medyo manipis na ‘yung sobrang supply kaya nararamdaman natin ‘yung mga pabago bagong sitwasyon ng mga planta,” paglalahad niya.

Sinabi pa ni Alabanza na nakikipag-ugnayan na ang NGCP sa power plants upang tugunan ang isyu, at ikonekta ang mas maraming lugar sa grid, kabilang ang Mindoro na nananatiling off-grid.

“Sa ngayon nagaantay kami ng aksyon mula sa ERC kung papayagan nila kaming i-interconnect pero right now, hindi pa siya nakakabit at wala pa siya sa poder namin,” sabi ni Alabanza. RNT/SA