NGCP: Sapat na suplay ng kuryente sa Halalan 2022 siguruhin; Mayo 9-11 gawing holiday 

NGCP: Sapat na suplay ng kuryente sa Halalan 2022 siguruhin; Mayo 9-11 gawing holiday 

May 3, 2022 @ 12:36 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Nais ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na ideklara ang Mayo 9 hanggang 11 na holiday para masiguro ng mga ahensya ng pamahalaan ang sapat na suplay ng kuryente para sa transmission ng mga boto sa Halalan 2022.

Iginiit naman ng NGCP na sapat ang suplay ng kuryente sa bansa hangga’t walang masisirang power plant, ayon sa ulat nitong Lunes.

Hinihikayat din ng NGCP ang mga konsyumer na magtipid sa kuryente.

“Pinangangambahan natin iyong sabay-sabay na pagtirik ng mga planta. Kung gusto niyong manigurado ay dapat tignan natin iyong mga paraan para ma-control natin iyong demand on those critical days,” pahayag ni NGCP spokesperson Atty. Cynthia Alabanza.

Matatandaang inihayag ng Department of Energy na manipis ang suplay ng kuryente sa bansa at nangangailangan ng backup. RNT/SA