NGCP siyasatin sa ‘di pa nababalik na kuryente sa typhoon-hit areas

NGCP siyasatin sa ‘di pa nababalik na kuryente sa typhoon-hit areas

January 2, 2022 @ 11:58 AM 8 months ago


MANILA, Philippines – Nanawagan ang National Association of Electricity Consumers for Reforms, Inc. (NASECORE) sa Department of Energy (DOE) na magsagawa ng ‘systems audit’ sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) dahil sa pagkabigo ng operator nito na matiyak ang pagkakaroon ng quality, reliability, security at affordability’ ng suplay ng elektrisidad sa mga lugar na hinagupit ng Bagyong Odette kamakailan.

“This failure had been repeatedly witnessed during the 2013 Super Typhoon Yolanda, Typhoon Ruby in 2014 and the earthquake of 2017 due to its apparent inadequate, weak and grossly unreliable transmission system that are easily felled by typhoons,” base sa liham na ipinadala ng NASECORE kay Energy Secretary Alfonso Cusi na may petsang December 21, 2021.

Ayon kay NASECORE President Pete Ilagan, hindi umano katanggap-tanggap at ‘di makatarungan ang naging ‘performance’ ng NGCP sa mga electric cooperatives at distribution utilities kung saan ay ang mga konsyumer pa ang sinisi para sa kahinaan ng grid operators at ‘unreliable transmission system.

“Sadly, this is a recurring and perennial experience. Where has the huge annual funds provided by the consumers thru their monthly rate payments and granted by the Energy Regulatory Commission (ERC) gone?” This monies are meant to assure the consumers of a quality, reliable, secured and affordable supply of electricity,” giit ni Ilagan.

Dahil dito ay hiniling ng NASECORE sa Energy Department na agad na magsagawa ng ‘transparent audit’, actual ocular inspection at documentation ng NGCP transmission system upang madetermina ang hinihiling at kinakailangang ‘upgrading and improvisation’ na magtatag ng ‘resilient transmission system nationwide’

Hinimok din ang ERC na magsagawa ng ‘regulatory audit’ sa mga pondo na ipinagkaloob sa NGCP sa umanoy Capital Expenditures para sa rehabilitation at upgrading ng nationwide transmission system.

“A review of the Concession Agreement of NGCP with the National Transmission Company (TRANSCO) for possible violations as well as a review of NGCP’s congressional franchise by the Joint Congressional Energy Commission (JCEC) should be conducted to protect public interest,” dagdag pa ni Ilagan. RNT