NHCP nagsalita na sa maling liriko ni Ez Mil

NHCP nagsalita na sa maling liriko ni Ez Mil

February 10, 2021 @ 6:33 PM 3 weeks ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Nagsalita na ang National Historical Commission of the Philippines (NHCP) sa kontrobersyal na liriko ng kantang ‘Panalo’ ni Ez Mil tungkol kay Lapu-Lapu.

Sa nilagdaan ni chairperson Rene Escalante, pinaalalahanan ng NHCP sa publiko na huwag ikompromiso ang kasaysayan.

Nilinaw na si Lapu-Lapu ay hindi nasawi sa Battle of Mactan.

“The battle was a victory of our ancestors led by him.”

“The National Commission of the Philippines welcomes new songs that inspire people to think great and be informed of their history. But let us not compromise history and be conscious of our accountability on what we are conveying to our people,” saad pa rito.

Naunang iginiit ni Lapu-Lapu City mayor Junard “Ahong” Chan na nais niyang pagbawalan si Ez Mil sa kanilang lugar.  RNT/FGDC


  •  
  •  
  •