NIA: Magat dam magpapakawala ng tubig sa pagbayo ni Maymay

NIA: Magat dam magpapakawala ng tubig sa pagbayo ni Maymay

October 12, 2022 @ 8:12 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Inanunsyo ng National Irrigation Administration (NIA) nitong Martes na bubuksan ng Magat Dam sa Northern Luzon ang isa sa mga gate nito bilang paghahanda sa inaasahang epekto ng Tropical Depression Maymay

“In anticipation of the expected heavy inflow due to Tropical Depression Maymay, Radical gate #4 of the Magat Dam will be opened tomorrow, October 12, 2022 at 4:30 in the afternoon,” dagdag pa sa abiso ng NIA.

“Gate opening is at 1 meter with an approximate discharge of 200 cubic meter per second (cms).”

Ngayong Miyerkoles ng umaga nakasailalim ang anim na lugar sa Luzon sa signal no. 1 kabilang dito ang Isabela, Quirino, Nueva Vizcaya, Aurora, Nueva Ecija at extreme northern portion ng Quezon (General Nakar, Infanta) kasama ang Pollilo Islands, base sa ipinalabas na weather bulletin ng PAGASA.

Maaari namang maglandfall ang bagyo sa Aurora sa Miyerkules ng gabi o Huwebes ng madaling araw bago ito tumawid sa kalupaan ng Central Luzon. RNT