NIA-MARIIS nagkasa ng clearing operation

NIA-MARIIS nagkasa ng clearing operation

September 25, 2022 @ 4:01 PM 2 months ago


SANTIAGO CITY – Hindi alintana ng mga empleyado ng NIA-MARIIS ang Super Typhoon Karding para magsagawa ng clearing operation sa iba’t ibang irrigation at canal na karaniwang dahilan ng pagtaas o pag-apaw ng tubig.

Unang inatasan ni NIA Administrator Benny Antiporda na imonitor ang daloy ng mga irrigation canal sa kani-kanilang nasasakupan.

Sa direktiba ni Engr. Gileu Michael Dimoloy, Manager ng NIA-MARIIS ay agad na tumugon sa panawagan si Engr. Jaime Z. Ladiao ng Divisino 1 na mas magiging alerto ang lahat sa pagsubaybay sa mga nasasakupang kanal.

Kaugnay nito, nagkaroon agad nagsagawa ng clearing operation sa ilang bahagi ng kanal na nasasakupan ng Division I.

Pinapayuhan ang lahat na iwasan ang pagkakaroon ng kahit anong aktibidad sa mga irrigation canals ngunit patuloy pa rin ang ginagawang mahigpit na pagsubaybay ng ahensya sa lebel ng tubig sapagkat nagkaroon din ng pagbubukas ng isang gate sa Magat Dam.

Samantala, nagpaalala ang nasabing ahensya na maging alerto at mapagmatyag kasabay ng paghahanda at pakikinig ng balita upang maging ligtas sa posibleng pag-apaw ng tubig. Rey Velasco