NIA nagkasa ng bagong protocol sa preemptive spilling ng mga dam

NIA nagkasa ng bagong protocol sa preemptive spilling ng mga dam

October 30, 2022 @ 10:52 AM 1 month ago


MANILA, Philippines- Ini-adopt ng National Irrigation Administration (NIA) ang bagong protocol sa preemptive spilling ng mga dam.

Sinabi ni NIA administrator Benny Antiporda na layunin nito natiyakin na hindi aapaw ang mga ilog at hindi na lalala ang sitwasyon lalo na sa flood-prone areas.

“NIA is undertaking preemptive spilling so we will not be be caught by surprise should the volume of water enters our country if this severe tropical storm intensifies,” ani Antiporda sa press briefing nitong Sabado sa main office ng National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC).

Inihayag din ni Antiporda na kinailangang buksan nang isang metro ang isang gate ng Magat Dam sa Cagayan, na naglabas ng 200 cubic meters per second (cms) ng tubig.

Subalit sa paglakas ng severe tropical storm “Paeng”, inanunsyo ng NIA-Magat River Intergrated Irrigation System na kinailangan pang magbukas ng gate bandang alas-4 ng hapon nitong Sabado. Binuksan nang isang metro ang Radial Gate 3 at naglabas ng halo 170 cms. Ng tubig. Pagsapit ng alas-5 ng hapon, binuksan ang gate nang dalawang metro at nakapaglabas ng 371 cms.

Binuksan din ng NIA ang sluice gates 1 at 2 sa Bustos Dam sa Bulacan. Binuksan ang sluice gates nang 2.5 meters, at naglabas ng kabuuang 112 cms.

Inilahad din ni Antiporda na nananatiling sarado ang gate ng Pantabangan Dam sa Nueva Ecija, at ang Bulo Dam sa Bulacan ay nananatili sa normal level. RNT/SA