Niana, panalo sa DP challenge!

Niana, panalo sa DP challenge!

July 5, 2022 @ 7:30 PM 1 month ago


Manila, Philippines – Iba’t-ibang pakulo at challenges ang naglilipana ngayon sa social media. There are cool ones kaya naman ang saya ring makiisa minsan!

Isa sa trends ngayon ang post-a-collage of your Facebook profile picture from 2017 to 2022!

As usual, halos milyong netizens ang naki-sabay sa trend na ‘to at kabilang na nga ang YouTuber/dancer na si Niana Guerrero!

“May nanalo na!”

“Uwian na!”

‘Yan ang komento ng netizens sa entry ni Niana. Well, from 2016 kasi ay hindi talaga ito nagpalit ng DP.

She’s all grown up now, mismong profile picture nito ay nakalakihan na niya kaya record-breaking talaga.

Sa dami ba naman ng GGSS selfies ng isang tao, bihira lang ang makakapag-pigil na magpalit ng profile picture.

So congrats, Niana!

“Tapos na term ni Duterte, ‘yung DP mo namamayagpag pa rin!” Paula Jonabelle Ignacio