NICA: Disiplina, volunteerism nade-develop sa ROTC

NICA: Disiplina, volunteerism nade-develop sa ROTC

August 8, 2022 @ 8:19 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Sinabi ng National Intelligence Coordinating Agency (NICA) na ang pagpapatuloy ng Reserve Officers Training Corps (ROTC) ay mas makapagpapa-involved sa mga kabataan sa mga usapin sa komunidad, makapagpapa-inproved sa volunteerism spirit ng mga Ito.

“If you expose the young people to community activities where they will see or feel their fellowmen, they will see the importance of making themselves useful not just for themselves, but the others,” ayon kay NICA Region 1 Director Mildred Abordo sa isinagawang turnover ng relief goods sa Abra Diocese, ipamamahagi sa mga biktima ng paglindol.

Aniya, ang gawing requirement ang ROTC sa mga eskuwelahan ay hindi nangangahulugan na turuan ang mga Ito na humawak ng armas at bumaril.

“Maraming ways para ma-implement ang ROTC program, isa dyan ang pag-expose at pagtuturo paano magresponde at tumulong pag may kalamidad,” ayon kay Abordo.

Pinasinungalingan naman nito ang paniniwala ng ilang sektor na ang ROTC ay naglalayon na turuan ang mga estudyante na maging “youth soldiers.”

“Hindi totoo yun kasi may ROTC naman tayo noon pa at hindi naman ginawang youth soldiers ang mga estudyante,” aniya pa rin

Sinabi pa rin niya na ang pangunahing layunin ng ROTC ay gawin ang mga youth volunteers na damayan ang mga nangangailangan.

“calamity strikes anytime, anywhere, and having young people with a heart to help will do a lot in mitigating the sufferings of the victims,” aniya pa rin

“Discipline, volunteerism and care for others are important lessons taught in the ROTC, which will help mold the youth to become good citizens,” dagdag na pahayag nito.

Sinabi pa ni Abordo na ini-expose ng NICA, ang kanilang young personnel sa volunteerism sa panahon ng kalamidad gaya ng pagkolekta ng donasyon na ipinadala nila sa mga biktima. Kris Jose