NICCA mapopondohan – Rep. Duterte

NICCA mapopondohan – Rep. Duterte

October 28, 2020 @ 5:43 PM 2 years ago


Manila, Philippines – Siniguro ng liderato ng Malaking Kapulungan ng Kongreso na mapopondohan ang pagpapatupad sa Republic Act 11215 o ang National Integrated Cancer Center (NICCA).

Tiniyak ito nina House Speaker Lord Allan Velasco at Davao Rep. Paolo “Pulong” Duterte kung saan sila ang magkatuwang na nagsusulong upang ang pagpapatupad nito ay maging mabunga at mapakinabangan ng maraming Pilipinong may kanser.

Sinabi ni Rep. Duterte, chairman ng House accounts committee na personal niyang inilapit kay Velasco at kay Committee on Appropriations chair at ACT-CIS Rep. Eric Yap upang matiyak na mapopondohan ang ahensyang mangunguna sa pagpapatupad ng NICCA.

“My Mom is cancer survivor. Diagnosed in year 2016 and successfully recovered more a year after treatment and long-term survivorship transitions. It is our duty to provide help to every fellow citizens to our best. Give them a second chance to live,” paliwanag ng opisyal.

Giit pa ni Pulong, kailangang unahin ang pangangailangan ng mga Pinoy lalo na iyong mga nabibilang sa mahirap na sector na walang kakayahan na makapagpagamot.

Sa kaniyang panig ay sinabi naman ni Yap na “I, myself, have people close to me who either succumbed to cancer or survived cancer and its very devastating. The order from Speaker Velasco and Rep. Duterte is very clear as the Committee on Appropriations chair, I will see to it that sufficient funding will be included for NICCA during the bicameral conference of the 2021 budget.” (Meliza Maluntag)