‘Nice for What’ ni Drake, Number 1 pa rin sa Billboard chart

‘Nice for What’ ni Drake, Number 1 pa rin sa Billboard chart

June 10, 2018 @ 1:53 PM 4 years ago


Napanatili ng Canadian rapper na si Aubrey ‘Drake’ Graham sa Top 1 ng Billboard Hot 100 songs ang kanyang kanta na ‘Nice for What’.

Sa ikawalong linggo na nito sa top 1, napantayan na nito ang ‘King of Pop’ na si Michael Jackson na pangalawa sa may pinakamaraming nagtagal na kantang nanguna sa Billboard chart.

Parehas na kasi silang may 37 na kantang nagtagal sa nasabing listahan, pangalawa kay Usher.

Bukod dito, nananatili rin sa number 3 ang ‘God’s Plan’ ni Drake na 13 weeks nang nasa Billboard Hot 100.

Matatandaang 11 weeks ang tinagal ng ‘God’s Plan’ sa number 1 bago mapalitan ng ‘Nice for What’. (Remate News Team)