Nick Jonas, ikakasal na

Nick Jonas, ikakasal na

July 27, 2018 @ 7:34 PM 5 years ago


Hollywood – Engage na ang singer na si Nick Jonas at aktres na si Priyanka Chopra.

Ito ang kinumpirma ng mga kaibigan ng sweet couple na na-engage sa London last week, mismong birthday ni Chopra.

Isinara pa ni Jonas ang isang Tifanny store sa New York para lang bumili ng engagement ring.

“His friends and family have never seen him like this, and they’re all really excited for him. He’s definitely very serious about her,” ayon sa isang source.

May 2017 nang magkakilala sina Nick at Priyanka nang pumunta sila sa Met Gala kasama ang kanilang mga kaibigan at doon na nagsimula ang ligawan na kinahantungan ng kanilang relasyon na inamin noong May 2018. (Remate News Team)