Nicki Minaj, aprub sa sayaw ni Joshua!

Nicki Minaj, aprub sa sayaw ni Joshua!

September 3, 2022 @ 2:07 PM 3 weeks ago


Los Angeles, USA – Confirmed! Hindi lang sa Pilipinas malakas ang dating ni Joshua Garcia, abot ‘to hanggang ibang bansa.

Recently lang ay napa-aprub ng aktor ang Queen of Rap na si Nicki Minaj sa Super Freaky Girl Tiktok dance challenge entry niya.

Hindi lang basta ni-like ni Nicki ang video, nag-iwan pa ito ng smiling face with heart eyes emoji sa TikTok video ni Joshua.

Marami naman ang na-amaze dahil aside from Nicki being famous around the world as an artist, ibig sabihin anila, eh, natuwa talaga siya sa moves ni Joshua at mukhang for her, eh, nabigyan ng hustisya ang kanta niya.

As of press writing, umabot na sa 26.7 million views ang nasabing dance video ni Joshua.

More trending videos to come Joshua! Lahat talaga nang i-post nitong video sa nasabing app, nagba-viral! Just wow. Paula Jonabelle Ignacio