Nicole Kidman, may pasabog sa educational background!

Nicole Kidman, may pasabog sa educational background!

January 21, 2022 @ 10:01 AM 7 months ago


Hollywood, USA – Hindi uso sa Amerika ang mga idolong ‘di nakatapos ng college. Parang ‘di nakaugaliang itanong sa mga showbiz idol at iba pang celebrities du’n kung saan at kailan sila nagtapos ng kurso dahil taken for granted na ‘yon na may tinapos sila o nakatuntong sila sa kolehiyo.

At ‘yon ang dahilan kung bakit kamakailan lang ay ipinagtapat ni Nicole Kidman na ni hindi siya nagtapos ng high school, pati na ang mister n’yang rocker na si Keith Urban.

Pag-amin ni Nicole, na nagwagi na ng Oscar’s, Golden Globe, Daytime Emmy, at Grammy awards sa kahabaan ng career n’ya: “I didn’t finish Year 11 and I somehow got there, are we allowed to say that?

‘We got through on a wing and a prayer!

“I don’t think Keith finished Year 10 either. But we shouldn’t be putting that out there, it’s not a good promotion.”

Ginawa ng ex-wife ni Tom Cruise ang pagtatapat na ‘yon sa isang radio interview para i-promote ang latest film n’yang “Being the Ricardos”. Danny Vibas