Nietes vs Palicte, sapakan ng magkaibigan!

Nietes vs Palicte, sapakan ng magkaibigan!

August 10, 2018 @ 10:30 AM 4 years ago


 

 

Manila, Philippines – ‘Friendly faceoff’ ‘yan ang sinabi ng dalawang boksingerong Pinoy na maglalaban para sa bakanteng titulo ng World Boxing Organization world super flyweight sa September.

Nakatakdang magkaharap sa ring ang dalawang pambato ng Negros Occidental na sina Donnie Nietes at Aston Palicte sa September 8 sa LA Forum.

“Excited na excited, kasi nabigyan ng opportunity na makapag laban ulit dito sa Superfly. This is a big card,” sabi ni Nietes sa Superfly 3 press conference gabi nitong Martes.

Sinabi naman ni Palicte na magkaibigan sila sa labas ng ring ngunit mainit na magkalaban sa loob ng ring.

“Sa taas ng ring, siguro iba. At pagkatapos ng laban iba rin, kaibigan. Pero trabaho lahat, sports lang,” sabi niya.

Nakatakda sanang maganap ang mandatory fight sa Pilipinas ngunit nagbago ang isip ng 360 Promotions at nangdesisyong dalhin ang laban sa Forum at ipalabas ito sa HBO.

Nakikita ni Nietes, kasali sa top pound for pound list ng The Ring magazine, ang laban bilang pagkakataon para makasungkit ng world title sa fourth division.

Samantala, para naman kay Roy Jones, promoter ni Palicte, ito na ang tiyansa ni Palicte para gumagawa ng pangalan sa larangan ng boxing sa pamamagitan ng pagtalo sa sarili niyang idolo.

“Dati bata ako napapanood ko sa ring. Ngayon magkalaban kami,” sabi ni Palicte.

Dumating na sa US ang dalawang boksingero nitong linggo at parehong nagtra-training sa Wild Card Gym. Remate News Team