Nigerian arestado sa ‘sexual harassment’ sa dalagita

Nigerian arestado sa ‘sexual harassment’ sa dalagita

October 23, 2022 @ 4:15 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Hinuli ng mga awtoridad ang 33-anyos na Nigerian wsa umano’y sexual harassment sa 17-anyos na dalagita sa Quezon City nitong Sabado, ayon sa mga pulis.

Naganap umano ang insidente sa loob ng lounge sa isang condominium sa Barangay Bagbaga sa Novaliches habang gumagawa ng assignment ang biktima.

Inilahad ng mga pulis na nang dumating ang suspek,tumabi ito sa biktima at nakipag-usap.

Mapilit umano ang suspek sa pagtatanong na dahilan upang mailang ang babae, at nagpakita pa ang ilang sexual remarks o mga bastos na mensahe habang itina-type sa cellphone.

Agad na tumakbo pauwi ang babae upang magsumbong sa kanyang ama, dahilan upang  iulat sa pulisya ang insidente.

Kasalukuyang iniimbestigahan at nakaditine ang suspek sa Novaliches Police Station 4. RNT/SA