NIgerian tigok sa P13.6M droga

NIgerian tigok sa P13.6M droga

March 1, 2022 @ 7:40 AM 4 months ago


MANILA, Philippines – Patay ang isang Nigerian National matapos piliin nito na manlaban sa pinagsanib na pwersa ng Quezon City Police District (QCPD) NCRPO, CIDG at PNP Drug Enforcement Unit sa isinagawang buy-bust operation kagabi sa nasabing lungsod.

Kinilala ang napatay ni QCPD Director PBGEN Remus Medina na si Ejiofor Smart Elendu, habang nakilala naman ang dalawang kasamahan nito na nagawang makatakas na sina alyas Kc Bamba at alyas Oga Aboy.

Base sa ulat, dakong 11:10 ng gabi nang isagawa ang drug operation sa Batasan Road San Mateo Rc, Batasan Hills, Q.C.

Lumalabas na nakatunog ang suspek na ang kanyang katransaksyon ay mga awtoridad sanhi upang magbunot ito ng kanyang baril at pinaputukan ang mga pulis.

Gumanti naman ng putok ang kapulisan sanhi ng kamatayan ni Elendu.

Narekober mula sa suspek ang dalawang kilong shabu na nagkakahalaga ng P13,600,000, brown na wallet na mayroon iba’t-ibang mga Identification card, kalibre .45 na may magazine.

Lumalabas na si Elendu ay miyembro ng Nigerian Drug Syndicate na nagsusupply ng shabu sa kalakhang Maynila at mga karatig na lalawigan.

Napagalaman na isinisilid ng suspek ang illegal na droga sa kahon ng gatas at hinahaluan ng mga sari-saring mga grocery items at ibabagsak sa kanyang mga parukyano