Night differential pay sa gov’t employees, GOCCs aprub kay PDu30
May 16, 2022 @ 6:32 PM
2 months ago
Views:
202
Remate Online2022-05-16T18:32:11+08:00
MANILA, Philippines – Nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panukalang batas na magbibigay ng night shift differential pay sa mga empleyado ng gobyerno kabilang ang mga nasa Government Owned or Controlled Corporation (GOCC).
Sa ilalim ng Republic Act 11701, lahat ng mga kawani ng gobyerno ay dapat bayaran ng night shift differential nang hindi lalampas sa 20% ng kanilang hourly basic rate.
Sakop niyo ang division chiefs pababa, kabilang ang mga nasa GOCC anuman ang kanilang katayuan sa trabaho, mapa-permanente, kontraktwal o casual employee.
Tutukuyin ng pinuno ng ahensya ang night differential pay, para sa kada oras ng pagtatrabaho nito sa pagitan ng alas-6:00 ng gabi hanggang alas-6:00 ng umaga ng kinabukasan.
Hindi naman sakop ng nasabing batas ang:
-
Mga empleyado ng gobyerno na ang oras ng pasok sa trabaho ay tatapat sa pagitan ng alas-6:00 ng umaga hanggang alas-6:00 ng gabi
-
Mga empleyado ng gobyerno na required ang kanilang serbisyo o on call 24 hours gaya ng mga uniformed personnel ng Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine National Police (PNP), Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), Bureau of Fire Protection (BFP), at iba pang kahalintulad na sitwasyon na maaaring tukuyin ng Civil Service Commission (CSC) at ng Department of Budget and Management (DBM).
Ilalabas ng CSC, sa pakikipagtulungan ng DBM, ang guidelines para sa paglalabas ng night differential pay. RNT/ JCM
July 1, 2022 @8:42 AM
Views:
5
MANILA, Philippines – Nagpahayag ng labis na pagkabahala ang Commission on Human Rights (CHR) sa desisyon na i-block ang ilang websites at bawiin o ipawalang-bisa ang certificates of incorporation ng news organization na Rappler.
“We caution against censorship or any move similar to it, which harms press freedom and results in a chilling effect that attempts to deter free speech and liberty of association under a democracy,” ayon sa komisyon sa isang kalatas, tinukoy ang naging desisyon ng National Telecommunications Commission (NTC) na i-block ang websites ng mga progresibong grupo at news organizations na inakusahan ni outgoing National Security Advisor Hermogenes Esperon Jr. na may koneksyon sa “communist-terrorists,” at ang naging utos ng Securities and Exchange Commission’s (SEC) na ipawalang-bisa o bawiin ang certificates of incorporation ng Rappler.
Binigyang diin ng CHR ang kahalagahan ng “right to information, free speech, and expression” ng mga tao kung saan hangga’t in-exercise ng isang indibiduwal ang kanyang karapatan na hindi lumalabag sa batas ay “any form of curtailment is undue and unjust.”
“Democracy thrives on the free exchange of ideas, including dissent and opposing opinions, that allows everyone to participate in shaping laws and policies for the general welfare of the people,” ayon sa CHR.
Nanawagan naman ang CHR sa pamahalaan na igalang at panindigan ang karapatang-pantao na nakapaloob sa Saligang Batas at sa international human rights standards.
“Silencing criticism and dissent only detracts from our shared goal of nation-building,” ayon sa komisyon.
“We reiterate that under a democracy the goal is to balance the respect, promotion, and fulfilment of the rights of all. Let us take part in healthy and responsive discourse with citizens across diverse sectors, as the right to truth—like the ostensible mission of journalism—must always be rooted in accountability, integrity, and objectivity,” dagdag na pahayag nito. Kris Jose
July 1, 2022 @8:28 AM
Views:
10
MANILA, Philippines – Patay ang tatlong deboto habang sugatan ang tatlong iba pa matapos na makuryente habang sakay ng bangka sa fluvial parade sa Apalit, Pampanga.
Ang parada sa ilog ay taunang isinasagawa kasabay ng kapistahan ni St. Peter the Apostle na magmula sa kaniyang shrine sa Barangay Capalangan papunta sa Pampanga River.
Sa ikinasang imbestigasyon ng awtoridad, sumabit ang bakal ng banderitas ng banka sa live wire na sanhi ng pagkakakuryente ng anim na biktima.
“Hindi raw nila napansin dahil hindi na sila makapili halos madadaanan [sa dami ng bangka]. Natapat sila doon sa medyo mababa na [nakalaylay] na parte ng high tension wire,” ayon kay Police Lieutenant Colonel Jose Charmar Gundaya, hepe ng Apalit Police Station.
“Kahit daw hindi dumikit ‘yon [bakal] basta within 12 inches ang distansya, magkakaroon ng current yung bakal na didikit doon sa high tension wire kasi napakalakas daw ng kuryente nun,” dagdag pa ni Gundaya.
Sinabi pa ng opisyal na tinitingnan nila kung may pananagutan sa nangyaring insidente ang kapitan ng bangka.
Nagtamo naman ng matinding sugat ang isa pa, habang minor injuries lang ang tinamo ng dalawang iba pang biktima.
Sa kabila nang nangyari, nagpatuloy at tinapos pa rin ang prusisyon. RNT
July 1, 2022 @8:14 AM
Views:
16
MANILA, Philippines – Isang malaking paghinga sa mga Pinoy ang sasalubong ngayong Hulyo dahil sa inaasahang bababa ang presyo ng liquefied petroleum gas (LPG).
Sa isang advisory nitong Huwebes, inihayag ng Petron Corporation na magpapatupad ito ng P0.40 kada kilo na rollback sa mga presyo ng kanilang household LPG. Magkakabisa ang price adjustment sa ganap na 12:01 a.m.
Ang pababang pagsasaayos ay katumbas ng P4.40 na bawas sa presyo ng tipikal na 11-kilogram na tangke ng LPG.
Sinabi rin ni Solane na ibababa nito ang presyo ng LPG ng P0.36 kada kilo, simula alas-6 ng umaga noong Hulyo 1.
Ang datos mula sa Department of Energy noong Hunyo ay nagpakita ng retail prices ng 11-kilogram LPG cylinder na nasa pagitan ng P879.20 at P1,107.09.
Inanunsyo din ng Petron na babawasan nito ang presyo ng AutoLPG ng P0.22 kada litro nang sabay-sabay.
“Ang mga ito ay sumasalamin sa internasyonal na presyo ng kontrata ng LPG para sa buwan ng Hulyo,” sabi ng kumpanya. RNT
July 1, 2022 @8:00 AM
Views:
22
MANILA, Philippines – Nagpaabot ng pagbati si Chinese president Xi Jinping sa kanyang bagong Philippine counterpart na si Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. matapos ang presidential inauguration ng huli, araw ng Huwebes.
Ayon sa Chinese Embassy sa Maynila, nagpadala si Xi kay Marcos ng isang congratulatory letter, kung saan inalala nito ang “important consensus” na kanilang nakamit “on upholding good-neighborly friendship” ng kanilang mga bansa “and joining hands for common development.”
“Xi said he is ready to work with Marcos to chart the course for the development of bilateral ties from a strategic and long-term perspective, and continue to write a great chapter of the China-Philippines friendship and cooperation for the new era, so as to benefit the two countries and their people,” ang pahayag ng embahada sa isang kalatas.
Matapos manalo sa presidential elections noong Mayo, nagkaroon ng phone conversation si Pangulong Marcos kay Xi, kung saan itinuring ng huli ang una bilang “a builder, supporter, and promoter of” ng pagkakaibigan ng dalawang bansa.
Samantala, si Chinese Vice President Wang Qishan ang special representative ni Xi sa inagurasyon ni Pangulong Marcos. Kris Jose
July 1, 2022 @7:45 AM
Views:
22
MANILA, Philippines – Idineklara ng kapulisan ang naging inagurasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na generally peaceful.
Sinabi ni National Capital Region Police Office (NCRPO) regional director MGen Felipe Natividad na ito ay dahil sa “maagang paghahanda at pinaigting na pagpapatupad ng planong pangseguridad ng mga pulis, tropang militar, at mga miyembro ng pwersa ng Pilipinas.”
“Ang pagsisikap ng lahat ay lubos na pinahahalagahan at ang bawat papel ay mahalaga sa tagumpay ng makasaysayang kaganapang ito,” aniya.
Napansin ni Natividad na sa kabuuan ng mga seremonya, ang mga opisyal ng police ay namahagi ng mga pagkain sa mga dumalo sa mga itinalagang freedom parks, kabilang ang Liwasang Bonifacio sa Maynila, “anuman ang grupo o organisasyon na kanilang kinakatawan.”
Ang mga dumalo, sabi ng NCRPO ay “nagtipon at nagpakita ng diwa ng pagkakaisa,” isang pagtukoy sa mensahe ng kampanya ni Marcos.
Nauna nang sinabi ng Philippine National Police (PNP) na humigit-kumulang 15,000 tauhan ang ipapakalat para masigurado ang inagurasyon ni Marcos.
Nagpatupad din ng gun ban sa buong Metro Manila bilang dagdag na hakbang sa seguridad. Magiging epektibo ito hanggang Hulyo 2. RNT