Nike maglalabas ng mga sapatos na disensyo para sa doktor, nurse

Nike maglalabas ng mga sapatos na disensyo para sa doktor, nurse

November 16, 2019 @ 12:56 PM 9 months ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Nakatakdang maglabas ang Nike ng bagong disenyo na espesyal para sa mga nurse at doktor at iba pang health care professionals.

Ang Air Zoom Pulse trainers ay nakadisenyo para mas madaling isuot at malinis dahil mayroon umano itong clean ‘fit, cushioning at traction systems’ na makasisiguro sa lahat kondisyon ng paa.

Wala rin itong sintas at spill-protection coating. 

“The coated toe box protects against any type of spill,” pahayag ng Nike.

“Smooth surfaces present a unique challenge when designing for spills as well, and the shoe’s traction pattern solves for this by removing closed cells,” dagdag pa nito.

Lahat ng mapagbebentahan ng sapatos ay ibibigay sa Doernbecher Freestyle Program.

Ilalabas ang anim na bersyon ng trainers sa December 7. Remate News Team|FGDC


  •  
  •  
  •  

Loading...