Nilagnat, hirap makahinga preso sa presinto patay

Nilagnat, hirap makahinga preso sa presinto patay

September 16, 2020 @ 2:32 PM 6 days ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Isang 59-anyos na inmate sa presinto ng Manila Police District (MPD) ang namatay matapos lagnatin at mahirapang huminga, mga sintomas ng coronavirus disease.

Kinilala ang biktimang si Arnel Cruz y Sablay, binata  ng 1002 F.Yuseco St.,Tondo.

Batay sa ulat ng Manila Police District- Homicide Section, bandang 1:30 ng hapon nitong Martes nang ideklarang patay ang biktima sa Tondo Medical Center nang makaranas ng mga sintomas ng COVID- 19.

 Bago isinugod sa ospital si Cruz, Setyembre  12 ay inapoy ng matinding lagnat at nahirapan sa paghinga ang biktima.

Agad dinala ang inmate sa ospital ngunit binawian ng buhay makaraan.

Noong Agosto 19 ay inaresto si Cruz sa kanyang bahay ng mga tauhan ng Jose Abad Santos Police Station 7 dahil sa kasong droga.(RENE CRISOSTOMO)


  •  
  •  
  •  

Loading...