NILINAW: 23 syudad wala pang herd immunity, population protection lang – Año

NILINAW: 23 syudad wala pang herd immunity, population protection lang – Año

December 10, 2021 @ 10:12 AM 10 months ago


MANILA, Philippines – Binawi ni Interior and Local Government Secretary Eduardo Año, Biyernes, ang nauna na nitong anunsyo na nakamit na ng 23 syudad sa bansa ang herd immunity, at sinabing population protection lang ang nakuha nito mula sa pagbabakuna ng 70% ng target population.

Sa mensahe sa GMA News Online, ipinaliwanag ni Año na nakamit ng 23 syudad ang pagbabakuna sa 70% ng kanilang populasyon o “priority groups.” At ang herd immunity naman ay nakabase sa aktwal na populasyon ng isang lugar.

“I would like to correct na hindi pa yan herd immunity kundi population protection dahil more than 70% ng target population (priority groups) are already vaccinated. Herd immunity is based on actual population,” aniya.

Iginiit at nilinaw din ng kalihim na kailangan pang magbakuna ng bansa sa iba pang local government unit para masiguro ang prioteksyon sa lahat.

“Just the same, we have to inoculate other areas/LGUs to ensure the protection of everyone. At least in those 23 cities, protection against COVID and safety of people living there are ensured,” aniya.

Kabilang sa mga syudad na tinukoy ni Año ay ang:

  • San Juan City

  • Mandaluyong City

  • Pateros

  • Marikina City

  • Taguig City

  • Pasay City

  • Las Piñas City

  • Parañaque City

  • Manila City

  • Muntinlupa City

  • Makati City

  • Valenzuela City

  • Quezon City

  • Navotas City

  • Pasig City

  • Malabon City

  • Caloocan City

  • Outside NCR

  • Baguio City

  • Angeles City

  • Iloilo City

  • Lapu-Lapu City

  • Mandaue City

  • Davao City

RNT