NILINAW: Pasok sa Agosto, tuloy; pero face-to-face classes, bawal muna – Malakanyang

NILINAW: Pasok sa Agosto, tuloy; pero face-to-face classes, bawal muna – Malakanyang

May 26, 2020 @ 2:05 PM 6 months ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Nilinaw ng Malakanyang ang naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na mananatiling suspendido ang klase hangga’t walang nadidiskubreng bakuna.

Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, kaikangan munang mayroong bakuna laban sa coronavirus disease (COVID-19) at nakapag-adjust na ang komunidad sa “new normal” sa pagharap sa pandemya.

Sa public message kasi ng Pangulo ay sinabi nito na hindi niya papayagan na magbukas ng klase hangga’t walang bakuna laban sa virus.

“Ibig sabihin po niyan, habang wala pang bakuna at habang wala pa tayo sa new normal, ‘yung wala na pong community quarantine, hindi pa rin tayo magkakaroon ng face-to-face classroom na mga klase,” ayon kay Sec. Roque.

“Kung hindi talaga dumating ang new normal at hindi mai-lift ‘yung mga community quarantines hindi naman po ibig sabihin na hindi na mag-aaral ang ating mga kabataan,” aniya pa rin.

Ani Sec. Roque, maaaring gamitin ng Department of Education ang television at radio para masiguro na maide-deliver ang mga aralin o lessons.

Aniya pa, sa ilalim ng guidelines na itinakda ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID), ang face-to face o in-person classes sa lahat ng antas ay marapat lamang na manatiling suspendido sa mga lugar na nasa ilalim ng enhanced community quarantine at modified ECQ.

Para sa academic year 2020-2021, ang mga sumusunod ay kailangan na sundin para sa pagsasagawa ng klase sa mga lugar na nasa ilalim ng general community quarantine:

  • Ang klase para sa basic education ay tatakbo lamang mula August 24, 2020 hanggang April 30, 2021

  • “Adoption of various learning delivery options such as but not limited to face-to-face, blended learnings, distance learnings and homeschooling and other modes of delivery shall be implemented depending on the local COVID risk severity classification and compliance with minimum public health standards.”

  • “conduct of curricular and co-curricular activities involving gatherings such as science fairs, showcase of portfolios, trade fairs, school sports, campus journalism, festival of talents, job fairs, and other similar activities is canceled, except those conducted online,” ayon kay Sec. Roque

  • Ang pagbubukas naman ng klase sa universities and colleges, sa kabilang dako ay nakadepende sa education delivery mode.

  • Ang higher education institutions na gumagamit ng full online education ay maaaring magbukas anumang oras.

  • Ang HEIs na gumagamit ng flexible learning ay maaaring magbukas sa August 2020

  • Ang HEIs na gumagamit ng significant residential (face-to-face/in-person) mode ay maaaring nagbukas ng hindi maaga sa September 1, 2020

  • Walang residential (face-to-face/in-person) classes hanggang August 31, 2020

Samantala, hinikayat naman ng pamahalaan ang pribadong HEIs na palitan ang kanilang academic calendar at magbukas sa August 2020. Kris Jose


  •  
  •  
  •  

Loading...