Ninobla gold sa poomsae sa SEAG

Ninobla gold sa poomsae sa SEAG

May 17, 2022 @ 11:58 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Nasungkit ni Jocel Lyn Ninobla ang gintong medalya sa women’s individual poomsae ng taekwondo competition sa 31st Southeast Asian Games sa Tay Ho Gymnasium sa Hanoi, Vietnam.

Nagtala si Ninobla ng 7.765 puntos para magkampeon sa torneo habang si Tran Kimuyen Lee ng Vietnam ay nakakuha ng pilak sa huling iskor na 7.649. Nag-uwi ng bronze medal sina Ornawee Srisaakit ng Thailand at Defia Rosmaniar ng Indonesia.

Samantala, nasungkit ng koponan na binubuo nina Rodolfo Reyes Jr., Raphael Enrico Mella, at Patrick King Perez ang pilak na medalya sa men’s poomsae team event sa likod ng gold medalist na Vietnam.

Nagtala si Ninobla ng 7.765 puntos para maupo sa torneo habang si Tran Kim uyen Lee ng Vietnam ay nakakuha ng pilak sa huling iskor na 7.649.

Nag-uwi ng bronze medal sina Ornawee Srisaakit ng Thailand at Defia Rosmaniar ng Indonesia.RICO NAVARRO