Nirebisang polisiya sa quarantine, isolation, testing iaakyat ng DOH sa IATF

Nirebisang polisiya sa quarantine, isolation, testing iaakyat ng DOH sa IATF

January 13, 2022 @ 7:50 PM 7 months ago


MANILA, Philippines- Ipepresenta ng Department of Health ang nirebisang alituntunin nito sa coronavirus disease (COVID-19) isolation, quarantine, at testing sa Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases ngayong Huwebes.

Inilahad ng DOH nitong Miyerkules na gumawa ito ng updated na polisiya kung saan ginawang optional ang COVID-19 testing optional para sa asymptomatic close contacts ng kumpirmadong mga kaso at may mga mild na sintomas.

Inihayag din ni DOH spokesperson Health Undersecretary Ma. Rosario Vergeire na mula 10 araw ay gagawin na lamang pito ang quarantine period ng fully vaccinated close contacts.

“DOH issues the policy, but we present to IATF for alignment with other National Government Agencies,” pahayag ng DOH sa reporters.

“The Town Hall yesterday is only for [healthcare workers’] consultation and meeting,” patuloy nito.

“We will release the final set of SMCs regarding this once presented to the IATF,” ayon pa dito.

Ani Vergeire, paiiksiin din ang  quarantine period para sa fully vaccinated close contact ng COVID-19 patient mula sa pitong araw na gagawin na lamang lima.

Dagdag pa ng Health undersecretary, hindi na rekisito ang testing ng asymptomatic close contacts maliban na lamang kung makaranas sila ng sintomas. RNT/SA