Nirentahang kalabaw, nanuwag, 1 patay

Nirentahang kalabaw, nanuwag, 1 patay

August 2, 2018 @ 7:13 AM 5 years ago


 

Surigao, del Norte – Patay ang isang dating kagawad matapos siyang suwagin ng kalabaw na nirentahan sa San Francisco, Surigao del Norte.

Ayon sa ulat kahapon (August 1), nirentahan umano ng biktimang kinilalang si Armando Palen ang kalabaw para makatulong sa pag-araro sa kaniyang palayan.

Isasauli na sana ng biktima ang kalabaw nang bigla nalang siyang sinuwag nito.

Nagtamo ng limang malalaking sugat sa kaniyang mga paa at mga pasa sa katawan ang biktima na dahilan ng kanyang agad na pagkamatay.

Maging ang anak ni Palen na kasama niya nang mangyari ang insidente ay nagtamo rin ng sugat.

Depensa naman ng may-ari ng kalabaw, ito ang unang pagkakataon na nanuwag ang kaniyang alaga. Remate News Team