NKTI nanindigan sa mas mahabang quarantine sa health workers

NKTI nanindigan sa mas mahabang quarantine sa health workers

January 13, 2022 @ 12:11 PM 7 months ago


Manila, Philippines – Nanindigan ang National Kidney and Transplant Institute (NKTI) na ang mga health worker na magkaka-COVID ay sasailalim pa rin sa pitong araw na quarantine upang makapagbigay ng proteksyon sa mga pasyente.

Ito ang iginiit ni NKTI executive director Dr. Rose Marie Rosete-Liquete makaraang aprubahan ng gobyerno ang fully vaccinated health workers na may COVID o na-expose sa virus.

“Alam mo, dahil alam namin na mabilis kumalat ito at sa proteksyon ng mga pasyente din who are immunocompromised, hindi namin sinunod ‘yung five days,” lahad ni Rosete-Liquete sa Super Radyo dzBB.

“Mag-ano kami, seven days asymptomatic ka na at mag-swab ka. Hindi puwede hindi mag-swab. So seven days ang aming minimum.”

Sa ilalim ng bagong guidelines, ang fully vaccinated healthcare workers na may COVID-19 na asymptomatic o may mild hanggang moderate symptoms ay dapat mag-quarantine sa loob ng limang araw.

Base pa sa opisyal, nasa 531 healthcare worker na miyembro ng NKTI ang positibo sa COVID buhat pa noong Enero.

Nasa 90 rito ang naka-quarantine habang 400 naman ang naka-home quarantine. RNT/FGDC