NLEX connector magagamit na sa susunod na taon

NLEX connector magagamit na sa susunod na taon

November 18, 2022 @ 1:17 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Madaraanan na ng mga motorista sa ikalawang bahagi ng susunod na taon ang NLEx Connector road na nagdurugtong sa hangganan ng North Luzon Expressway sa Caloocan hanggang Sta. Mesa, Manila.

“This project will be fully operational by the early second quarter next year,” pahayag ni NLEx Corp. president and general manager Luigi Bautista sa isang pagtitipon nitong Miyerkules, Nobyembre 16.

Ani Bautista, halos 90% kumpleto na ang unang dalawang bahagi ng kalsadang nag-uugnay sa Caloocan at Espana interchange na inaasahang mabubuksan sa Disyembre.

Inaasahan na makakapagserbisyo naman sa 35,000 motorista ang kabuuang 8-kilometrong haba ng kalsada.

“This project augurs well for the transport industry as we expect trucks to have an easier access to trading centers in Central and Northern Luzon without having to squeeze through congested roads in Metro Manila,” sinabi pa ni Bautista.

“As a fully committed company engaged in infrastructure development, management of toll road projects and mobility services, we continually seek ways for speedier deliveries of goods and services and renew interest in domestic tourism,” dagdag niya.

Ang NLEx Connector ay isang public-private partnership project sa pagitan ng Department of Public Works and Highways at NLEx Corp., na naglalayong mabawasan ang haba ng byahe ng mga pasahero at mga cargo mula hilaga patungong timog na bahagi ng Luzon.

“Beyond providing vital infrastructure for the unimpeded flow of goods and services and the accessibility to and from nearby regions, the Metro Pacific Tollways Group has embarked on digital transformation of our operations and services,” pahayag ni Bautista.

“We have lined up a number of technology-based projects and initiatives that will be greatly beneficial for our stakeholders,” dagdag pa niya.

Matatandaan na naglaan ang NLEx Corp. ng nasa P1.2 bilyon halaga ng pondo ngayong taon upang mapabuti pa ang kanilang imprastruktura at toll collection system. RNT/JGC