NLEX dapa sa Blackwater

NLEX dapa sa Blackwater

October 17, 2020 @ 10:27 PM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  

PAMPANGA – Muling nanalasa sa third quarter ang Blackwater Elite upang panatilihing walang panalo ang NLEX Road Warriors, 98-88, sa PBA Philippine Cup elimination round.

Tabla sa iskor na 46 sa simula ng 2nd half, dinomina ng Blackwater ang third quarter at kumana ng 35-point habang nilimitahan lang ang Road Warriors sa 16 upang makuha ang 81-62 na kalamangan.

Lumamang ang Elite ng 22 sa kalagitnaan ng final period, 95-73, na nagbigay sa kanila ng ikalawang panalo sa kabila ng huling sigwada ng NLEX.

Ito ang pangatlong laro ng Blackwater na umiskor sila ng mahigit 30 points sa 3rd quarter.

Sa third quarter ng kanilang nakaraang laban, umiskor ang Elite ng 41 points kontra Northport habang 39 points kontra sa Ginebra.

Nanguna sa Elite si KG Cañaleta na kumamada ng 18 points at 7 rebounds habang si Don Trollano ay umambag ng 18 puntos.

Tumipa naman si Mike Ayonayon ng 20 markers para sa NLEX habang si Kiefer Ravena ay rumehistro ng 17 points at eight boards.

Hawak ngayon ng Blackwater ang 2-1 record habang ang NLEX ay nanatiling kulelat sa standing na 0-3.

ISKOR:

Blackwater 98 — Cañaleta 18, Trollano 18, Sumang 13, Daquioag 10, Golla 8, Desiderio 7, Belo 7, Tolomia 6, Salem 5, Magat 3, Gabriel 2, Escoto 1, Dennison 0.

NLEX 88 — Ayonayon 20, Ravena 17, Soyud 13, Alas 13, Porter 9, Mcaloney 6, Quinahan 5, Galanza 5, Ighalo 0, Paniamogan 0, Semerad 0.Rico Navarro


  •  
  •  
  •  

Loading...