NLEX kailangan ng 1,500 obrero para sa connector project



NLEX kailangan ng 1,500 obrero para sa connector project

September 29, 2020 @ 7:46 PM 9 months ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Nangangailangan ang North Luzon Expressway Corp (NLEX) ng 1,500 technical at skilled workers para mapabilis ang pagpaagawa ng 8-kilometer NLEX Connector project.

Ang NLEX Connector ay elevated expressway para sa Caloocan Interchange, 5th Avenue/C3 Road sa Caloocan City na dadaan ng España at magdudugtong sa Metro Manila Skyway Stage 3 sa PUP Sta. Mesa sa Maynila.

“We are currently working on the first 5-kilometer section of the NLEX Connector from Grace Park, Caloocan City to España St., Sampaloc, Manila. As projected, more than 1,500 workers are needed to accelerate the construction works,” ani Bautista.

Layong makumpleto ang P23 bilyong proyekto sa 2021.

 “It is also seen to benefit 35,000 motorists who will be spared from using Metro Manila’s congested city roads since they will traverse their routes mostly above the alignment of the Philippine National Railways,” lahad ng NLEX. RNT/FGDC


  •  
  •  
  •