NLEX pinapirma si Jake Pascual ng 2 year deal

NLEX pinapirma si Jake Pascual ng 2 year deal

March 1, 2023 @ 1:18 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Pinirmahan ng NLEX si Jake Pascual sa isang bagong kontrata bago siya maging unrestricted free agent (UFA).

Ang beteranong big man ay pumirma ng dalawang taong kontrata sa Road Warriors noong Miyerkules, bago pa man pumasok ang 34-anyos na si Pascual sa pagiging UFA sa pagtatapos ng season.

Pinirmahan niya ang kontrata sa presensya nina NLEX executive Ronald Dulatre at coach Frankie Lim, na humawak kay Pascual noong panahon na magkasama sila sa San Beda.

Kasama ng 6-foot-4 Tarlac native ang kinatawan na si Danny Espiritu.

Si Pascual, na naglaro para kay Lim sa multi-titled teams ng San Beda sa NCAA, ay miyembro ng 2014 draft class, kung saan siya ay pinili bilang No. 8 sa pangkalahatan ng Barako Bull. JC