NLRC, kinastigo ni Tulfo sa makupad na desisyon sa labor disputes

NLRC, kinastigo ni Tulfo sa makupad na desisyon sa labor disputes

November 8, 2022 @ 12:45 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Matinding kinastigo ni Senador Raffy Tulfo nitong Lunes ang National Labor Relations Commission (NLRC) sanhi nang makupad na pagdedesisyon ng labor disputes at implementasyon nito na kadalasan, walang nakukuha ang manggagawa.

Sa kanyang privilege speech, sinabi ni Tulfo na may kaso na kinamatayan na ng empleyado pero ‘di pa rin nakukuha ang money claims.

Aniya, magkaiba naman ang desisyon kapag ang employer ang nagwagi sa kaso kundi man tanggalin ang empleado, walang nakukuha saka pahirapan ang pagkuha ng money claims kapag sila ang nanalo sa kas.

“Iba ang pinagdadaanan ng abusadong employer at ng kawawang manggagawa. Ang employer ‘pag nanalo, ‘di mahirap para ip-aexecute ang decision. Kadalasan inaaprubahan lang ang pagtanggal ng empleyado. Pero ‘pag nanalo ang empleyado, pahirapan. Parang treasure hunt ang paghahanap ng mananagot sa award ng korte,” ayon kay Tulfo.

Nagsimula ang problema sa SENA or Single Entry Approach kung saan dumadalo ang magkabilang partido para sa mediation pero dito na-iintimidate ang empleado kapag abogado ang humarap.

Kaya gusto ni Tulfo na hindi abogado ang pahaharapin sa SENA.

“I propose that only non-lawyers could represent parties before the SENA. Further, the SENA officers must be given guidelines by the NLRC on unreasonable settlements being proposed at the SENA level. The officers must be able to protect the employees against these kinds of agreements when their rights are really being violated,” aniya.

Marami rin umano delays ‘pag may kaso na sa labor arbiter.

Suhestyon niya, gawin na ang digital filing para mapabilis ang pagproseso sa mga kaso.

Maghahain din si Tulfo ng proposal na ma-garnish ang ari-arian ng mga employer para kahit pending ang kaso ay may mahahabol ang mga empleyado.

Minsan problema rin aniya na wala nang mahabol pag nagsara o nagdeklara ng bankruptcy ang empleyor para di magbayad ng judgment award.

“But the biggest problem our employees have is execution. Kumbaga parati silang nganga matapos nila ilaban ang kaso nila. True, the rules of the NLRC provide for a cash bond and surety bond. But the problem is this cash bond and surety bond only arises when the case is appealed from the Labor Arbiter to the NLRC. Most employers who want to evade the payment of money claims, would stop fighting cases with their employees at the Labor Arbiter level. Because if they appeal to the Commission, they have to file a cash bond or surety bond equivalent to the award. Thus, it is easier to simply hide. Taguan na ng mga ari-arian,” ani Tulfo.

Kapag hindi rin humarap ang employer-party sa execution conference, panukala ni Tulfo na ang officers at directors ng kompanya ang magiging liable sa judgment award.

“I will file a proposal to provide a way to garnish the properties of the employers at the Labor Arbiter level. This will ensure that even while the case is pending, the employees will have something to run after to answer for a favorable judgment,” sabi niya. Ernie Reyes