No. 1 most wanted illegal recruiter sa Region 2, timbog!

No. 1 most wanted illegal recruiter sa Region 2, timbog!

August 5, 2022 @ 1:39 PM 2 weeks ago


SANTIAGO CITY- Posibleng habang buhay na pagkabilanggo ang kahaharapin ng isang misis na akusado bilang illegal recruiter matapos mahuli ng Criminal Investigation and Detection Group o CIDG-Santiago City Field Unit sa Brgy. Rogus, Cauayan City, Isabela.

Sa ipinarating na ulat ni PMaj. Arnel Talattad, Team Leader ng CIDG Santiago City Field Unit kay PCol. Reynate Panay, Regional Chief ng CIDG Regional Field Unit 2 ang akusado ay nakilalang si Consolacion Cagatao alyas Conching, 51 anyos at residente ng Barangay Nabbuan, Santiago City, Isabela.

Isinilbi ng pinagsanib na pwersa na pinamunuan ng CIDG Santiago CFU, Isabela PFU, RSOT CIDG RFU2, RIU2 at Cauayan City Police Station ng isilbi ang warrant of arrest ng akusado na inisyu ni Hon. Anastacio D. Anghad, Presiding Judge, Regional Trial Court, 2nd Judicial Region, Branch 36, Santiago City, Isabela.

Batay sa isinilbing Warrant of Arrest ay patung-patong na kaso sa Illegal Recruitment at paglabag sa Violation of Migrant Workers and Overseas Filipino Act of 1995 (RA 8042 as amended by RA 10022) Illegal Recruitment Syndicated and Large Scale ang kinasasangkutan ng suspek.

Ayon kay PMaj. Talattad ang akusado ay nasa Top 1 Most Wanted Person Regional Level ng CIDG RFU2.

Pansamantala nasa kustodiya ng CIDG Santiago CFU ang akusado para sa kaukulang dukomento at tamang disposisyon bago ipasakamay sa korteng pinagmulan. Rey Velasco