No. 1 most wanted sa Binondo na may kasong rape, arestado

No. 1 most wanted sa Binondo na may kasong rape, arestado

September 19, 2022 @ 6:40 PM 6 days ago


MANILA, Philippines – Personal na tututukan ni Manila Mayor Honey Lacuna ang kinakaharap na kaso ng isang 61-anyos na lalaki na tinaguriang “No.1” most wanted sa area ng Binondo ng nasabing lungsod makaraang maaresto ito matapos magtago sa mga awtoridad ng halos dalawang taon.

Ito ang ipinahayag ni Lacuna matapos iprisinta sa Alkalde at sa mga mamahayag ng pamunuan ng Manila Police District (MPD) sa pamumuno ni District Director B/Gen. Andre Dizon ang naarestong suspek na si Gener Argeles, alyas Jose Gener Argales o mas kilala sa tawag na “Lolo Gener”, 61, binata, walang trabaho, na dating nakatira sa Dagonoy St., San Andres Bukid Manila ngunit nagtago ito at nanirahan sa panulukan ng Tabora St., at Recto sa Binondo.

Nabatid na nahaharap sa kasong rape at 4 counts ng acts of lasciviousness ang nasbaing suspek makaraang molestiyahin nito ang tatlong menor de edad na babae na anak ng kanyang kinakasama.

Ayon sa Alkalde, bilang isang ina ay napakabigat ang ginawa ng suspek dahil sa kanya ipinagkatiwala ang mga bata ngunit imbes na ituring niya ang mga ito na anak ay pangmomolestiya at pananamantala ang ibinigay nito.

Matapos ang dalawang taon na pagtatago ay naaresto ng mga tauhan ng MPD Station 11 (Meisic station) sa pamumuno ni Lt.Col Rexson Layug bunsod na rin ng pinalakas na kampanya laban sa mga wanted person sa lungsod partikular ang nasa listahan ng Top 10 most wanted person ng bawat istasyon ng pulisya.

Ang suspek ay nahaharap sa kasong 4-counts of Acts Lasciviousness at rape.

Pansamantala namang nakadetine ang suspek sa MPD-Station 11 habang hinihintay ang kanyang commitment order. JAY Reyes