No. 2 most wanted sa Calabarzon, timbog!

No. 2 most wanted sa Calabarzon, timbog!

July 30, 2018 @ 1:40 PM 4 years ago


 

Baras, Rizal – Arestado ang isang miyembro ng New People’s Army (NPA) makaraang ihain sa kanya ang mandamiento de aresto Linggo ng gabi sa kanyang tahanan sa Baras, Rizal.

Nakiala ang suspek na si Raul Razo, 47-anyos alyas Ka Jade na tinaguriang number 2 most wanted person criminal ng CALABARZON at may patong na P500,000 sa kanyang ulo.

Sa ulat, dakong alas-7:30 ng gabi umuwi sa kanyang bahay sa Barangay Pinugay, Baras, suspek kung saan ay natiyempuhan ng mga tauhan ng Regional Mobile Force Battalion bitbit ang warrant of arrest na inilabas ni Judge Florencio Arellano ng Laguna Regional Trial Court Branch 28 sa kasong murder noong 2003.

Hindi naman nilinaw ng pulisya ang detalye kung sino ang pinatay ng suspek sa inilabas na warrant of arrest sa murder case.

Bukod sa miyembro ng NPA ang suspek, notoryus din na kriminal na sangkot sa ibat-ibang patayan sa rehiyon kaya tinagurian itong number 2 most wanted sa Calabarzon region at may patong na kalahating miyong piso sa kanyang ulo.

Isa din umano si Arellano sa pagdukot at pagpatay kay Private First Class Eriberto Eclaveo, miyembro ng Philippine Army noong Mayo 27, 2007. (Toto Nabaja)