No. 23 malas kay LeBron



No. 23 malas kay LeBron

June 10, 2021 @ 9:02 AM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  

MANILA, Philippines – Magpapalit ng jersey number si Los Angeles Lakers star LeBron James sa pagsabak nito sa susunod na season pero hindi umano nito ibibigay ang kanyang dating number kay Anthony Davis.

Mula sa No. 23, gagamitin ni James ang No. 6 para sa 2021-22 season at mananatili si Davis sa No. 3, ang number na ginamit nito ng magkampeon ang Lakers sa kanyang inaugural season, ayon sa source.

Gamit ni LeBron ang No. 6 jersey sa international competition para sa Team USA at sinuot din niya ito noong naglaro siya sa Miami Heat dahil niretiro na ng organization ang No. 23 bilang parangal kay Michael Jordan.

Plano niya talagang bumalik sa No. 6 nang ma-acquire nila si Davis noong summer 2019 dahil orihinal na suot din nito ang No. 23 sa kanyang buong career habang naglalaro sa New Orleans Pelicans.

Hindi umano pumayag and Nike na magpalit si LeBron ng numero dahil milyon-milyong dolyar na produkto ni LeBron na may number 23 ang masasayang.

Ayon kay LeBron, ginamit niya ang No. 23 dahil sa impluwensya ni Jordan pero sinabi rin ito na inspirasyon niya sa No. 6 sina NBA greats Bill Russell at Julius “Dr. J” Erving na gumamit din ng kaparehong numero.

Sa susunod na season, makikita na number 6 ang jersey na isusuot ni LeBron gaya ng  promotional video ng paparating na movie ni LeBron na “Space Jam: A New Legacy,” na suot nito ang No. 6 “Tune Squad” uniform. Rico Navarro


  •  
  •  
  •