No. 3 most wanted sa kasong rape arestado

No. 3 most wanted sa kasong rape arestado

July 23, 2022 @ 11:30 AM 4 weeks ago


DAGAMI, Leyte- Arestado ang isang obrero na nahaharap sa 3 bilang ng kasong panggagahasa sa isinagawang operasyon ng mga operatiba ng Anti-Kidnapping Group (AKG) nitong Miyerkules sa bayang ito.

Kinilala ni PNP Officer-in Charge Police Lieutenant General Vicente D Danao Jr., ang nadakip na suspek na si Rogelio O. Tonido, 39-anyos at residente ng Barangay Talinhugon, Dagami, Leyte.

Sa pinagsamang pwersa ng mga tauhan ng Ormoc Satellite Office (AKG lead), Dagami MPS, Leyte Provincial Intelligence Branch, Criminal Investigation and Detection Group 8 (CIDG , at Regional Intelligence Unit 8, nadakip ang suspek dakong alas-9:40 ng umaga sa nasabing lugar.

Sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Hon. Catherine Jane Lopez-Vanilla, Presiding Judge, 8th Judicial Region RTC Br. 15, ng Burauen, Leyte, na may petsang July 18, 2022 at walang inirekomendang piyansa para sa pansamantala nitong kalayaan nadakip si Tonido 3 bilang ng kasong Rape na may mga criminal case no. (Art. 266-A of RPC) docketed under Criminal Case Nos. BN-22-06-5719, BN-22-06-5720, at BN-22-06-5721.

Si Tonido ay nasa listahan ng 3rd most wanted sa probinsya ng Leyte. Mary Anne Sapico