No. 4 drug personality pumalag, tepok!

No. 4 drug personality pumalag, tepok!

January 12, 2023 @ 7:40 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Todas ang number 4 street level drug personality matapos na pumalag sa mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) sa isinagawang buy-bust operation kagabi sa nasabing lungsod.

Kinilala ni QCPD Director PBGEN Nicolas D Torre III, ang namatay na si Jordan Cedie Balana, nasa 40 hanggang 45-anyos.

Ayon kay Galas Police Station 11 commander PLTCOL Richard Ian Ang, pasado alas-10 ng gabi (January 11) nang isagawa ang drug operation laban kay Balana at sa kasama nito na si Benjie Valencia, sa kahabaan ng 14th St., Sta. Cecilia, Brgy. Damayang Lagi, Q.C.

Lumalabas na sa nabanggit na operasyon nakatunog ang dalawa na mga pulis ang kanilang ka-transaksyon dahilan upang magbunot ng kanyang baril si balana na nagresulta sa kamatayan nito habang nakatakas naman si Valencia sakay ng motorsiklo na walang plaka na ngayon ay patuloy na pinaghahanap ng kapulisan.

Narekober sa lugar ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) sa pangunguna ni PCPT John Agtarap ang isang kalibre .38 na walang serial number, 2 bala, 4 na basyo at plastic sachet na naglalaman ng shabu na nagkakahalaga ng P34,000 gayundin ang ginamit na buy-bust money.

“Pinapaalalahanan kong muli ang mga drug suspek na sa halip na makipagputukan sa ating kapulisan ay sumurrender na lamang ng mapayapa upang maiwasan at hindi na umabot pa sa ganitong pangyayari,” pahayag ni Torre. Jan Sinocruz