No. 4 most wanted sa Muntinlupa timbog sa warrant

No. 4 most wanted sa Muntinlupa timbog sa warrant

October 7, 2022 @ 1:55 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Arestado ng mga tauhan ng Warrant and Subpoena Section (WSS) ang No. 4 most wanted person sa Muntinlupa nitong Oktubre 6.

Ang suspect na nakilalang si Sander Antonio, 23, ay nadakip ng mga tauhan ng WSS nitong Huwebes sa Garcia Compound, Barangay Cupang, Muntinlupa City.

Ang pag-aresto kay Antonio ay naisakatuparan sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Muntinlupa Regional Trial Court (RTC) Presiding Judge Romeo Buenaventura ng Branch 256 nitong nakaraang Agosto dahil sa kasong posesyon ng ilegal na droga.

Kabilang sa kautusan ng korte ay ang pagbibigay ng piyansa para sa pansamantalang kalayaan ni Antonio sa halagang P200,000.

Kasalukuyang kinahaharap na kaso ni Antonio ang paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. James I. Catapusan